PARANGAL SA MGA GURO AT KAWANI

PARANGAL SA MGA GURO AT KAWANI

Para sa inyo...

Parangal sa Guro at Kawani is a heartfelt tribute to the dedicated teachers and staff of UPIS, whose commitment has shaped countless lives. As part of this year’s homecoming, we honored the individuals who tirelessly nurtured our minds and spirits, and guided us through our formative years. Last December 8, 2024, we gathered together and celebrated with the UPIS teachers & staff in recognizing the vital roles they contributed in the success of the UPIS community.

To all our educators and staff—thank you for your service, your passion, and for being the backbone of our beloved institution!

Salamat sa Parangal 2024

Disyembre buwan ng kapaskuhan

Maraming naghihintay kay Jose Mari Chan

At sa kanyang awit Christmas in our Hearts

Hudyat ng simula ng kapaskuhan sa Pilipinas

 

Sa aming mga retiradong guro at kawani

Hinihintay din ang Disyembre

Dahil sa UPIS Alumni Homecoming

ang taunang pagkikita namin.

 

Salamat sa mga pagkakataong

Magbihis, ipahinga ang daster;

Pumunta sa parlor para sa manikyur at pedikyur.

At makulayan mga buhok;

 

Salamat sa ipinadalang imbitasyon

Matagal hinintay tunog ng celfon

At paanyaya online.

 

Salamat sa matiyagang paghanap ng mga tamang tirahan,

numero ng telepono, celfon o landline;

Naku, di yan nagbabasa ng mensahe sa celfon

Sasagot lang kung tatawagan.

 

Salamat sa pangungulit

Talagang kelangan paulit-ulit.

 

Salamat sa tiyaga

Na mga nagsidalo ay manatiling masaya,

Masakit man mga tuhod at balakang

PIlit tumatayo, lumiligid para mangumusta

Kumaway sa marami

Lalo kung pangalan ay nagwagi

Sa raffle regalo ay samut-sari:

May electric fan, rice cooker, at iba pang gamit.

May nakasobreng regalo din!

 

Salamat sa masusing pag-aaral at pag-iisip

Ano ang dapat gawin upang mapasaya mga panauhin

 

Pagbati sa inyo! mga larawan ang patunay

Gaano kami kasaya, puno ng galak mga puso namin

Makita, mayakap ang mga dating kasamahan

Mahabang panahong di nakakwentuhan.

Magpiktyuran, maghalakhakan.

 

At maraming salamat

Sa inyong tiwala at mahalagang ambag

Sa paghubog sa amin bilang guro at kawani.

Pinanday ninyo upang maging mabuting tao, mabuting Pilipino

Para sa bayan at mamayan: Utak at Puso.

Maraming salamat, UPIS 1999!



Ma’am Teret de Villa

17 Enero 2025