UPIS,Salamat ( ni Floribelle Maximo Abrantes)
September 3, 2024 2024-09-16 1:52UPIS,Salamat ( ni Floribelle Maximo Abrantes)
Pakinggan niyo ang aming kuwento
Ang kuwento ng aming simula
Daig pa ang mahahabang epiko
At mga trahedyang banyaga
Na ang mga naging bida
Ay ako, ikaw, at sila
Tayong mga ordinaryo
Tayong mga pinagpala
Sa isang lugar nagkakilala
Lugar na kami ay pinag tipon
At bumuo ng mga ala-ala
At hinubog din ng panahon
Dito kami nagkadiwa
Dito kami nagtanim
Dito kami umani
Dito rin kami nakatikim
Ng tamis ng unang pag-ibig
Ng alat ng pagkakabigo
Anghang ng pagkakawagi
Mga pait ng pagsuko
Mga panlasa sa buhay
Na sa ami’y nananalantay
Hinding hindi malilimot
Hinding hindi masasaway
Baon naming maigi
Saan man makarating
Kailan man mapabuti
Sino man makapiling
Ito ang aming alamat
Alamat na aming isinulat
Sa malayo ma’y ikakalat
Taas noong isisiwalat
Ito ang aming kuwento
Kuwento ng pagkamulat
UPIS, Salamat
Salamat sa aming alamat
Related Posts
Alamat ng “3D Music” ni Victor Icagasi
Coach Ani De Leon-Brown (UPIS Batch 1992)
ALAMAT NG UNANG PAGIBIG : How Nerds fall in Love
Ang alamat ng UPCAT FAILEE
Ang alamat ng Thaddeus
Search
Categories